Lumaktaw sa pangunahing content

Herbal medicinal plants..

----DARAK NG BIGAY OR TAHOP (PALAY)
Ginagamit itong panghalo sa pagkain ng hayop, ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami ito ay gamot sa beri-beri, mga taong may sakit na diabetes at sira ang buwanang dalaw.

Paraan:
Magsangag ng 1 tasang darak, hayaang magkulay itim ito. Ilaga sa katamtamang dami ng tubig, inumin na parang tsaa 3 beses maghapon.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

----KALATSUTSI---- Scientific name: Plumiera acuminata Ang kalatsutsi ay mainam ding gamot sa galis-aso, herpes, pangangating balat o alergy at pamamaga ng balat. Paraan: a) Kumuha ng 1 tasang dahon at sanga ng kalatsutsi, durugin. Lagyan ng langis ng niyog at pakuluan ng 5 minuto, palamigin. Pahiran ang parteng apektado. b) Kumuha ng katas o dagta ng dahon at puno, lagyan ng konting langis at ipahid sa parteng may kapansanan.
----KAKAWATI OR MADRE DE CACAO---- Scientific name: Gliricidia sepium(Jacq.) Steud. Ginagamot nito ang mga kapansanan sa balat tulad ng galis-aso, pamumutok ng balat o pamamaga ng balat at pilay sa bukung-bukong at pulsuhan. Nakakapagpaalis ng mga surot. Paraan: a) Kumuha ng mga dahon at dikdikin, katasin at ipahid sa parteng apektado pagkatapos maligo. b) Kumuha ng mga dahon at durugin, itapal sa may pilay. c) Maglagay ng mga dahon sa ilalim ng kama o papag (puwedeng tadtarin).
----KUGON---- Scientific name: Imperata cylindrica Gamot sa nahihirapang umihi, nagbabalisawsaw, sakit sa bato o maruming pantog. Puwedeng gamitin ng taong may rayuma, inumin ng may diabetes. Paraan: a) Maglaga o magpakulo ng mga ugat at inumin 3 beses maghapon. b) Gamiting pampaligo ng taong may rayuma.