Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Enero, 2018

Kunting kaalaman

Sa panahong ito na napakamahal ng mga gamot marami na ang tumatangkilik sa herbal medicine. Pinatutunayan lamang na mabisang herbal medicine ang mga halamang gamot. Batay din ito sa isinagawang pananaliksik ng mga health experts. Dahil dito magbibigay ako ng mga karagdagang kaalaman tungkol sa mga halamang-gamot. Ang dahon ng kamyas ay ilaga at inumin. Mabisa itong panggamot sa sipon, ubo, diarrhea. Napatunayan na gamot din ito sa sipilis. Dahil sa taglay nitong calcium kaya gamit ding pampalakas ng baga at mahusay sa sirkulasyon ng dugo. Sa mga batang napipilayan, mabisang gamot ang dahon at sanga ng tuba. Itinatapal din ang dahon sa sugat. Ang dahon ng ikmo ay itinatapal kung masakit ang tiyan lalo na sa mga batang sinisikmura. Ang dahon ng makahiya ay inilalaga bilang gamot sa sakit ng tiyan. Ang bawang ay mabisang panlunas sa alta presyon. Ang saging ay mabisa sa mga nininerbyos at may vertigo o iyong madaling malula sa pagtingin sa malalim na bangin at iba pang m...
----KUGON---- Scientific name: Imperata cylindrica Gamot sa nahihirapang umihi, nagbabalisawsaw, sakit sa bato o maruming pantog. Puwedeng gamitin ng taong may rayuma, inumin ng may diabetes. Paraan: a) Maglaga o magpakulo ng mga ugat at inumin 3 beses maghapon. b) Gamiting pampaligo ng taong may rayuma.
Hello po sa inyong lahat kung may mga katanungan po kayo maari nyo po akong I follow or I add or message sa fb po or messenger ko mayroon din po Ako group Na ginawa Doon Ang group name po ay 100% HERBAL NA GAMOT at kung may mga katungan po kayo wag po kayo mahiya dahil sasagutin ko po sa abot ng aking nalalaman Ang mga katanungan nyo baka makatulong po Ako sa inyo NASA picture po sa baba Ang fb name ko at pati napo Ang group name maraming salamat po and God bless you all
----KALATSUTSI---- Scientific name: Plumiera acuminata Ang kalatsutsi ay mainam ding gamot sa galis-aso, herpes, pangangating balat o alergy at pamamaga ng balat. Paraan: a) Kumuha ng 1 tasang dahon at sanga ng kalatsutsi, durugin. Lagyan ng langis ng niyog at pakuluan ng 5 minuto, palamigin. Pahiran ang parteng apektado. b) Kumuha ng katas o dagta ng dahon at puno, lagyan ng konting langis at ipahid sa parteng may kapansanan.
----KAKTUS---- Scientific name: Echinocactus grusonii Ang katas ng kaktus o dagta ay tumutulong upang mapigilan ang pagdudugo ng sugat (pag-ampat ng dugo). Paraan: Kumuha ng kaktus at pigain ng mariin habang nakatapal sa sugat. Kapag tumigil na ang pagdurugo talian ito ng malinis na tela.
----KAKAWATI OR MADRE DE CACAO---- Scientific name: Gliricidia sepium(Jacq.) Steud. Ginagamot nito ang mga kapansanan sa balat tulad ng galis-aso, pamumutok ng balat o pamamaga ng balat at pilay sa bukung-bukong at pulsuhan. Nakakapagpaalis ng mga surot. Paraan: a) Kumuha ng mga dahon at dikdikin, katasin at ipahid sa parteng apektado pagkatapos maligo. b) Kumuha ng mga dahon at durugin, itapal sa may pilay. c) Maglagay ng mga dahon sa ilalim ng kama o papag (puwedeng tadtarin).

Herbal medicinal plants..

----DARAK NG BIGAY OR TAHOP (PALAY) Ginagamit itong panghalo sa pagkain ng hayop, ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami ito ay gamot sa beri-beri, mga taong may sakit na diabetes at sira ang buwanang dalaw. Paraan: Magsangag ng 1 tasang darak, hayaang magkulay itim ito. Ilaga sa katamtamang dami ng tubig, inumin na parang tsaa 3 beses maghapon.

Herbal tree

----ARATILIS OR MANSANITAS--- Scientific name: Montingia calabura L. Mabuting gamot para sa pagtatae at pagsusuka. Paraan: Kumuha ng mga murang dahon, pakuluan ng 10 minuto sa 2 tasang tubig at inumin. Para sa mga bata edad 4 pataas: 1/2 tasang pinaglagaan Para sa mga matatanda: 1 tasang pinaglagaan