Hello po,magang araw po sa ating lahat ginawa ko po Ang blog Na Ito ng sa ganon ay makatulong at makapag bigay ng kunting kaalaman sa kapwa ko na gustong matuto tungkol sa mga herbal Na karamihan ay Hindi alam ng mga nakararami sa atin Na nakakapag pagaling sa ibat ibang karamdaman.....
----KAKAWATI OR MADRE DE CACAO---- Scientific name: Gliricidia sepium(Jacq.) Steud. Ginagamot nito ang mga kapansanan sa balat tulad ng galis-aso, pamumutok ng balat o pamamaga ng balat at pilay sa bukung-bukong at pulsuhan. Nakakapagpaalis ng mga surot. Paraan: a) Kumuha ng mga dahon at dikdikin, katasin at ipahid sa parteng apektado pagkatapos maligo. b) Kumuha ng mga dahon at durugin, itapal sa may pilay. c) Maglagay ng mga dahon sa ilalim ng kama o papag (puwedeng tadtarin).
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento